I am writing this because I keep questioning myself when should we hold on and when should we let go?
It's a hard question to answer but since I am bothered, I might as well share it with all of you who might be reading this 'bothering' blog entry.
HOLDING ON.
You hold on because you are happy, you are satisfied, you feel safe, you are loved. Bakit pwede rin naman mag hold on kung naniniwala ka na may pag-asa pa diba? Kahit alam mong you guys are not really in a relationship.. okay, let me be specific, yung tipong hindi na kayo pero alam mong meron pa, kung kakayanin lang. In that case you're not happy, malamang kasi you'll spend time wondering WHAT IFs and in the process, you will feel lonely.Sa kaso din na ito, you are not satisfied. Malamang kasi you don't get to see him that often, unlike before. Here, you do not feel safe also definitely because anytime he might hurt your feelings. Last but not the least, you won't feel loved. Ikaw lang ang todo bigay, pero siya, steady lang... pwedeng papansinin ka, pwede ring snob lang. WORDS CAN HURT BUT SO DOES SILENCE. Ang hirap diba? So when do you hold on? When should you?
LET GO.
You let go probably because you're unhappy, you're hurting, you're unloved, you're not satisfied.. or worse, you have found someone new.. someone new who could make you HAPPIER, who would hurt you LESS, who would LOVE YOU MORE and turn that SATISFACTORY LEVEL to EXCELLENT LEVEL. Ganon ba? So what will happen to the relationship you were into? What will happen to you? What will happen to your partner?
They say the hardest part of letting go is not because you want to, but because you have to. But lately I have realized, parehas lang mahirap at masakit eh. Parehas kayong takot tanggapin ANG MGA PWEDE PANG MANGYARI. And you have to let go kasi... bakit nga ba? Kasi ayaw mo na? Ayaw mo nang umasa at masaktan? Let go ka na kasi alam mong masaya na siya.. sa iba? Let go ka na kasi wala nang magagawa yung pag-aantay mo? Kailan nga ba nagiging madali ang letting go? Pag nakahanap ka na ng bago? Wala naman kasi akong nakitang quote na GIVE ME REASONS TO LET GO diba? Mayron yung GIVE ME REASONS TO HOLD ON, or to LOVE YOU MORE.. Ang hirap naman sagutin nito.
mapunta naman tayo sa MOVING ON.
Ito siguro yung pinaka-masayang stage. Yung tipong masaya ka na at tanggap mo na ang mga nangyari. Wala ka nang bitterness at wishful thinking. Masaya at magaan na ang pakiramdam mo. Wala nang alinlangan kung the next day ba eh babalik siya o kakausapin ka. "THE HELL I CARE basta masaya na ako" ang drama dito. Pero... kailan nga ba dapat mag move on? Kapag nakapag let go ka na? O makakapag move on ka lang kung may MAKIKITA KA NANG BAGO?
Ang hirap sagutin ng blog na toh, at alam kong medyo hindi maayos ang construction ng ideas hahaha! Magulo rin kasi ang utak ko ngayon. Hindi ko ma-distinguish kung saan sa tatlong yan nabibilang ang sitwasyon ko but nonetheless, kaya ko pa naman.. keribels pa. Dito papasok yung sinasabi nilang EVERYTHING HAS ITS OWN TIME, pero you have to make TIME the RIGHT TIME. Let everything surprise you. Make friends with TIME.
Huwag nating pilitin. Let me endure and enjoy the beauty of pain. It only means nagmamahal/nagmahal ako ng totoo... kasi masakit. Let me expose myself to pain, pero syempre not too much haha! Sabi nga nila diba, ang taong mabagal mag move on, mas mabilis naghheal.. dahil step-by-step ang pagtanggap niya sa mga pangyayari.. so hayaan niyo munang maging PAGONG ako sa sitwasyon na ito.. di natin alam ang pwede mangyari..
Last but not the least, kapag malungkot kayo sa gabi, tipong nag-iisa lang kayo at namimiss niyo yung 'taong yun', magdasal lang kayo.. Sabihin niyo "Lord, patulugin niyo na po ako para makalimutan ko na yung nararamdaman ko." Tapos, bilang ka ng 1 to 1000, kung di parin epektib, bilang ka from 1000 to 1. Ewan ko lang kung hindi kayo makatulog! Haha! Tapos kung pag gising niyo naman, tapos naalala niyo yung 'taong yun'.. sabihin mo sa sarili mo, "Miss ko nga siya, ako ba miss niya?" O para masampal ka ng katotohanan. Haha!
Hindi madali ang mag move on, lalo na kung ang dami niyong pinagsamahan at kung bawat lingon mo sa bahay niyo, sa kalsada, sa mall, eh siya naaalala mo. YOU REALLY HAVE TO HELP YOURSELF. Ikaw lang ang makakapag-padali ng lahat.
Tsaka, sa mga katulad kong naniniwala at idol si Popoy at Basha ng ONE MORE CHANCE movie, medyo tamaan kayo. Totoo ang three-month rule. JOKE! Hahaha! Ibig kong sabihin, nangyayari talaga sa tunay na buhay yung istorya nila. Yung SANA AKO NALANG, AKO NALANG ULIT! hahaha epal ni Basha! Taray ni Popoy, trapped between two lovers! Pero diba nga, kahit ano pa pinagdaanan nila, naging sila parin. Kahit napunta na ng Qatar si Popoy at madami nang naitayong building si Basha, sila pa rin nagkatuluyan.
Ipagpaubaya na natin ang LOVE STORY natin sa itaas, siya ang nagsulat non, tayo lang ang magpapaganda.
-JONAH
No comments:
Post a Comment