Saan kaya ako magsisimula?
Okay, LIFE has been good to me. Yun nga lang minsan sinusubukan talaga ako.. kung gaano ako kahina o kung gaano ako katibay sa mga problemang dumadating. Kahit ganoon man, at the end of the day, hindi ko nakakalimutan yung mga dapat kong ipagpasalamat.
Maraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat. Unang-una, we are still alive. We can still see the beautiful and majestic things around us. We could still see our parents, relatives, and friends. Most of all, we could still feel the love despite ALL the PAIN. and the list goes on...
CHAPTER 1: WORK
EK Family day with GMA 7
I love shootings! Kahit hawak ako ng boom, game ako!
Taas lang ng ratings namin!
At work, I am truly blessed to have workmates na hindi lang 'katrabaho' ang turing sakin. Sa kanila ko natutunan na ang mga katrabaho ay pwede mo rin maging kaibigan. I could express my feelings.. I could tell them my worries.. mga ganong bagay. May father-figure, may parang Ate at Kuya kang matuturing. Parang isang grupo lang kayo na hindi man pare-parehas ang takbo ng isip pero at some point ramdam mo na nagkakaintindihan kayo.
MAHAL KO ANG TRABAHO KO. Dito, araw-araw may natututunan ako... iba't-ibang tao ang nakakasalamuha ko. People from different walks of life, people with different struggles and experiences.. na handang ibahagi ang kanilang life story.. sa likod at harap ng camera. Kahit kung minsan ay nakaka-stress, I still feel good lalo na pag nasa part na nagpapasalamat sila at natutuwa dahil sa napanood nila ang buhay nila on national TV. Nakakapawi ng pagod yun. Also, I get to travel around. Konti pa lang ang istoryang nagawa ko bilang ilang buwan palang naman ako pero I could say, napakadaming opportunities ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nandiyan na yung iba't-ibang mga boss ang makakasalamuha mo.. iba't-ibang taong noon lamang ay nakikita mo sa TV. Iba eh. Iba yung pakiramdam na naiaapply mo ang natutunan mo sa napili mong propesyon.
CHAPTER 2: FRIENDS
Masasabi kong isa akong napaka-swerteng tao! Ang dami ko kasing kaibigan! Even though I ditch them sa ibang mga lakad namin before, hindi pa rin nila ako nakakalimutan. Ganon naman ata kapag tested by time and space na ang friendship. Kahit hindi kami magkita, isang text o tawag lang sakanila, rescued ka na kaagad. LAKING PASALAMAT KO DOON! Sila rin yung nakakaalam kung kailan ka dapat paiyakin at patawanin. Kabisado na nila kapag nagsisinugaling ka gamit ang mga salitang "Hindi dude, promise ok lang ako." Alam din nila kung anong kanta ang babagay sa sitwasyon o nararamdaman mo. Alam nila yung mga inside jokes na talaga namang ikatatawa mo. Minsan, pag talagang mali ka, sasabihan ka nilang "tanga" harap-harapan. Yan ang maganda kapag kabisado niyo na ang isa't-isa. No more backstabbing. Sampal ka kagad with words of wisdom.. na siya namang pinagpapasalamat ko din. They could make me relaize my strong and weak points without really hurting my feelings or screwing things up. Minsan nga kapag sa telepono kayo magkausap, kahit tuloy-tuloy kang nagsasalita ng puro reklamo, nakikinig lang sila.. and they'd say, "ano, tapos ka na? pwedeng kami naman?". Doon ka nabubuhayan ng loob eh, may opinion sila but they leave everything up to you. Yun ang swabe.
Sa ngayon di na uso yung shoulder to cry on. Minsan kahit magkausap lang kayo, harap-harapan at naiyak ka.. tama na yung you have someone to talk to. Sobrang okay at kuntento na ako don. AT SA MGA KAIBIGAN KONG NAKAKABASA NITO, ALAM NIYO KUNG SINO KAYO, maraming maraming salamat! Pakiss! :*
CHAPTER 3: PAG-IBIG
O siyempre, hindi ito mawawala. Sinubaybayan ng bawat isa ito eh. Paano ko ba sisimulan?
Okay, it's like this. People change, people grow. One way or another, you just really have to part ways. One phase every couple goes through: CHALLENGE. Lahat naman may challenge, may trials. Depende nalang how we would take it. May ibang "holding on" ang scenario, yung iba naman they consider "break-ups as an option". Well, one thing I keep in mind:
"TREES ARE PLANTED FAR FROM EACH OTHER SO THEY COULD GROW."
Kahit couple kayo at madami kayong common denominators, may differences pa din kayo. You think alike sometimes pero di talaga maiiwasan na yung isa ay iba ang opinion, iba ang pananaw, iba ang prinsipyo. Dito na pumapasok ang salitang COMPROMISE. If you both choose to compromise, mas okay diba. Yun nga lang, hindi sa lahat ng relasyon at sitwasyon ay nangyayari yun.
May mga bagay lang talaga na mabigat tanggapin kaya humahantong sa hiwalayan. Pwede rin namang masyado nang masakit para tanggapin o ipagpilitan pa. Kahit ano pa ang dahilan, basta naghiwalay kayo with the hope na mapapabuti ang isa't-isa, asahan mong mabuti ang landas na tinahak niyo. Though hindi maiiwasan ang mga panahon na itatanong mo sa sarili mo na "Bakit kayo nagkaganon? Anong nangyari? Kailan nagsimula? Hanggang kailan? Saan patungo ito?".. Masakit naman talaga. Hindi naman instantly ang pag-move on niyo. May mga panahon pa nga siguro na nasa isang lugar ka na maingay, maraming tao, pero siya lang ang naiisip mo. Huwag na huwag mong ikakaila na nangyayari ito sa iyo. Isang proseso na rin ito ng pagtanggap na "oo, maaaring hindi na maibabalik ang mga panahong iyon". Masakit, oo napakasakit. Pero wala, kailangan niyong tanggapin. Kahit gaano pa kayo katagal at kahit gaano pa karami ang naranasan niyo together. Palagay ko natural lang yun. Pinagdadaanan ng lahat ng nagbebreak yun. Huwag nalang magpatalo sa emosyon. BE STRONG.
Sana lang, huwag mawili ang isa't-isa sa sitwasyon. It could happen.. na isang araw nalang, masaya na yung isa na ganon nalang sitwasyon niyo.. at label mo nalang sakanya ay "my ex, now my friend". No matter how painful your situation is, ito nalang ang isa-isip natin, we have our own heartbreaks.. and we have the choice if we would let it put us down or make us stronger.
Mahirap man matulog sa gabi.. or patuloy ka paring umaasa na one day magiging okay din ang lahat, lasapin mo nalang. PAIN MAKES US FEEL ALIVE. At hindi naman dahil break na kayo eh ibig sabihin non ay hindi niyo na mahal ang isa't isa.. minsan mas nadadagdagan pa nga. You really have to spend time apart not because you love him/her less.. but you love them even more. Okay, babawiin ko pala yan.. ang dapat sa ganyang sitwasyon ay ang mga katagang: DO THE WALK, NOT THE TALK. Kung mahal mo pa nga eh ipakita mo, pero ipaliwanag mo din na may mga bagay pang dapat ayusin. Sometimes it helps din talaga eh. Makakatulong yung alam mo na may "hinihintay ka pa". Eh kung wala naman na talaga, "LET GO AND LET GOD."
hanggang dito nalang muna! lumilindol eh..
Salamat sa pagbabasa! Outlet ko talaga ito.. to express my emotions. :)
-Jonah